Hindi ito okay.

“Tangina mo, pokpok ka. Puro ka satsat, gago. Makasalubong lang kita sa daan dito sa Los Banos, duduraan kita. Worst, baka buhusan pa kita ng asido. Pukingina mo.”

“Putang ina mo. Kung ayaw mo kay Duterte, tumahimik ka. Mas malinis pa titi ko kaysa sa mukha mo. Tang ina ka. Mga kaibigan ko gustong pumatay sa ‘yo. May pera ka naman. Handa mo na lang ‘yan panggastos sa ospital.”

“Hoy, ‘te. ‘Pag nanalo si Duterte, babalikan ka namin. ‘Langya mo! May pa-eyeglass-eyeglass ka pang nalalaman sa profile pic mo. Sobrang hindi naman bagay. Parang si Dora lang na tumanda.”

“Bobo.”

“Dunung-dunungan kasi. Lakas ng loob.”

“Idiot.”

“Tanga.”

“Hoy, ‘wag kang bobo. Mamulat ka, ‘te. Kasi ‘di mo alam nangyayari sa Pilipinas na pinamumunuan ng mga bias na tao. Corrupt. Fuck you. You deserve to be bashed.”

“Tangama mo. Magkano ba binayad sa ‘yo? Ulol. Wag kami, gago.”

“Sorry, hindi corrupt ang presidente namin. Baka sa ‘yo. Halatang-halata sa fats mo.”

“Ang bobo ng putang inang admin. I-report na ‘to.”

“Magbigti ka na lang.”

“Puta. Ang kitid ng utak. Hanap pa talaga kayo ng ikasisira ni Mayor namin. Kabahan na kayo. Hahaha.”

“Doble kayod ang paninira para magkapera naman. Mga bayaran. More like, more share, more money, ‘di ba?”

“Putang ina niyo, Philippine Star! Masunog sana lahat ng binabalita niyo. Magsama-sama kayo, mga gago. Hindi kami tanga dito sa Australia. Fuck you! Motherfucker!”

“Hoy. Putangina niyo. Ayusin niyo reports niyo. Post niyo ang full interview ni Mayor. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas. Putangina. Pagbabarilin ko kayo. Putangina niyo. Pasabugin ko building niyo.”

As much as possible, ayokong mag-post ng kahit anong anti-Duterte statement dahil sa lala ng negatibong reaksyon ng mga taga-suporta niya. Kaya hindi ito kampanya laban kay Duterte.

Para ito sa mga Pilipinong kinakalaban ang kapwa Pilipino.

Messages at comments ang mga ‘to ng mga taga-suporta¬† ni Duterte. Kinuha ko ang mga ‘to mula sa iba-ibang tao, sa iba-ibang post, sa screenshots ng mga nakatanggap ng mga mensahe. Iilang patak lang ito sa ulan ng mga mensahe at komentong ganito rin ang tema – nag-aamok, nagbabanta, nanlalait at naninira. Alam ko, hindi naman lahat ng sumusuporta kay Duterte, ganito. Pero, the mere fact na merong ganitong mga tao – na napakarami nila – nakakatakot.

Hilig ko ang pagsusulat at pagbabasa dahil para sa ‘kin, words are powerful. Sandata ang mga salita – nakapagbabago ng pananaw, nakapagsisimula ng pagbabago. Pero ang paggamit ng salita bilang sandata sa paraang marahas, hindi ko matanggap.

Isa sa lagi kong nababasang argumento ng mga Duterte supporters, okay lang maging bad-mouthed, basta umaaksyon. Basta “good character.” Kaya ‘pag nakakabasa ako ng ganito, naiisip ko, kaya ba okay lang sa kanilang manakit ng kapwa gamit ang salita, eh dahil sa palagay nila, mabuti naman silang mga tao?

Naririnig o nababasa kaya nila ang mga sarili nila? Kailan pa naging okay murahin ang isang taong nagpapahayag lang ng opinyon? Bawal na ba magpahayag ng suporta sa ibang kandidato?

Hindi ba’t dapat nga, makinig at magbasa tayo ng balita, pati ng opinyon ng iba, para madagdagan ang kaalaman natin, so we can make informed decisions? Pero paano ‘yun, kung ang lahat ng nababasa nating balita o kahit anong post na kontra sa sarili nating opinyon, ang tingin natin, eh biased o bayad? Hindi ba, tayo ang biased no’n?

Elementary pa lang ako, lagi ko nang naririnig sa school na kilala ang mga Pilipino sa pagiging family-oriented, hospitable, maka-Diyos, matatag ang pananampalataya.

Ganitong klaseng “change” ba ang sinasabi niyong “change is coming”? Sana, hindi.

Hindi nga natin maayos ang pakikitungo natin sa kapwa natin Pilipino, eh, pa’no kaya aayos ang bansa? Naaawa ako sa bansa. Naaawa ako sa mga Pilipinong ang tingin sa ganitong uri ng pang-aapi ay “okay lang.”

Hindi ito okay.

Advertisements