Kawalan

Nanaginip ako, at sa panaginip,

nahuhulog ako sa itim na kawalan.

Sa ’king pagbitiw, wala kong naramdaman

kun’di ang malayang pagsama ng katawan.

Walang sasalo, walang sasagip –

sumasabay lang sa malakas na ihip –

Pagod na akong lumaban o matakot

O magpalamon sa makulay na lungkot

Wala na akong marinig na sigaw

na naghahanap sa nahuhulog, sa nahuhulog na ako.

Hinayaan na ako ng aking mundo,

na malaglag sa kawalang ginawa ko.

Nanaginip ako, at sa panaginip,

Nahulog ako sa itim na kawalan.

Nahulog akong nakatayo at payapa –

payapa ang puso.

Payapa ang puso.

Nanaginip ako, at sa panaginip,

nahulog ako sa itim na katawan.

Nanaginip ako at ang hiling,

wag na sana, kung pwede sana, wag magising.

Advertisements

Panukat

Kung ang pag-ibig ay nasusukat,

kailan ito matatawag na sapat?

Masusukat ba ng ruler, o ng meter stick

ang haba ng pasensya,

ang tagal ng paghihintay

o kung hanggang saan kinaya

ang pagtitiis;

Kakayanin ba ng measuring tape

ang distansya

ng mga pusong malayo sa isa’t isa?

Ng weighing scale

ang mga timba ng luha,

o ang bigat ng damdaming

pinuno ng saya

o ‘di kaya’y sama ng loob,

o kaya naman ang pag-gaan

ng pag-ibig na unti-unting nauubos

Eh, ang thermometer

ang init ng pagsisimula

at lamig ng pagtatapos,

o kaya ng stopwatch

ang oras bago ito kinapos;

ang bilis bago mo nasabing

“oo, mahal kita,”

at ang mga minutong lumipas bago ang “ayoko na,”

Pilit nating sinusukat,

inilalagay sa kalendaryo,

na para bang nag-aabang –

ilang buwan, ilang taon, bago huminto?

 

Kung ang pag-ibig ay nasusukat,

siguro may batayan,

kung kailan ito sapat.

Siguro hindi lalabis,

at hindi magkukulang.

 

Kung ang pag-ibig ay nasusukat,

laging may higit, laging may ‘mas’

kaya siguro,

hindi.

 

Kung ang pag-ibig ay nasusukat,

kaso –

hindi. 

Captured

In a room that smelled of lemon and cigarettes,

he wraps his arms around my waist, and we dance.

The heart always remembers what the mind forgets;

my heart fell from my chest to my feet in a glance.

His eyes bore into mine, to the depths of my soul;

I feel how I do when I watch the setting sun

I inhale his scent and I just desire his all —

the smell of an innocent child, how could I run?

My hands on his neck, I pull him closer to me,

and his body matches mine in every angle

His lips form a smile and I see eternity;

Could I ever let go of this fallen angel?

How he is in my eyes, words can’t simply suffice.

He is mine — my forever more, my only pure bliss.

Mommy

Pinanood ko si Mommy

na inaayos ang gamit ko

Inaamoy ang mga damit, tinutupi

Sinisinghot na para bang lahat, mabango

Sa balikbayan box, isa-isa niyang nilagay,

At tumayo siya pagkatapos.

Pinagmasdan niya ang silid na bright pink ang kulay

Na ang dekorasyon ay Hello Kitty halos.

Maya-maya’y kinuha niya ang gitara sa tabi ng pinto

Umupo siya ulit sa kamang puno na ng alikabok

Isa-isa niyang kinalabit ang anim na string ng gitara ko

Napatigil, tumingin sa paligid at napalunok.

Umupo ako sa tabi ni Mommy,

‘Di ako umimik, kasi ano ba ang dapat kong sabihin?

Paano ko pipigilan ang bawat luha’t hikbi?

Kung lahat ng ‘yon, dahil sa’kin?

Tumayo ulit si Mommy, tinabi ang gitara

Sinipat ang bookshelf, tatlong hanay ng mga libro

Naglakbay ang mga mata sa katabing mesa

May mga ballpen, papel, calculator at notebook na bago.

Sa notebook, nakapatong ang pink kong salamin,

regalo ni Mommy n’ung lumalabo na ang mata ko

Matapos magpatingin, lagi kong bilin

Na pink lang ang frame na gusto.

Nanginginig ang kamay ni Mommy,

Kinuha at sinuot ang salamin

Sa halip na luminaw ang paningin ay lumabo

Hanggang ngayon, hirap pa din siyang intindihin.

Sa tabi ng kama, may litrato

Babaeng nakangiti at may apat na gold medal

Sunod na nilapitan ‘yon ni Mommy at gumuho

ang mundo, umiyak siya ng pagkatagal-tagal.

Lumapit ako kay Mommy,

Binalot ko siya ng mahigpit na yakap.

Imbis na tumigil ay lalong tumindi,

Humagulgol siya at lalo akong hinanap.

“Anak,” sumigaw siya, kinakausap ang litrato

“Mommy, nandito lang naman ako.”

Umiyak siya at narinig kong muli ang iyak niya n’ung ako’y naghihingalo

At bumitiw, dahil ayoko nang saktan pa ang Mommy ko.

Blumentritt

Dumaan na ang apat na jeep.

Pa-blumentritt. 

Apat na jeep at walang masikip.

Pero nakakapit pa din ang girlfriend mong maliit.

Nakatayo sa ‘yong harap at nakabungisngis,

Puro pa-cute.

Bulong niya, agad ka niyang ma-mimiss

Wag ka lang mapa-alis, ang daming pautot. 

Mabigat na ang talukap ng mga mata.

Pagod, inaantok.

Pero kulang na lang, i-mighty bond ang ‘yong paa

Matindi talaga ang katok.

Nakasampung “ba-bye” na simula kanina,

Ngingiti pang nakakaloko.

“Ba-bye,” pero ‘di magawang iwan ka,

Kamot-ulo.

At sa wakas aalis, dahil oras na.

Kiss sa pisngi.

Ngingiti siya ulit at tatalikod na,

Hahawakan mo siya sa braso, “Sandali.” 

Hihilahin, yayakapin, mahigpit, matagal at ika’y ngingiti.

Bago ka sumakay pa-Blumentritt.

Gabi na, pagod ka at uwing-uwi,

Pero yakap mo pa ang girlfriend mong maliit.

Written

Write it down.

As the ink leaves its mark on paper,

So does the warmth in my heart.

Write it down.

For fear of growth and of familiarity,

For assurance of safety from a grave danger,

In a few minutes, for a calm heart.

Write it down.

For the insane thoughts to leave my mind,

For the quick-paced beat to stop.

For the butterflies to flee from the pit of my stomach,

Write it down.

A week is not enough to justify this.

Write it down.

To be judged, I won’t.

Neither to assume nor to expect.

This should end, and it should now.

And so, write it down.

From this day forward,

Until no end.

I will never think, speak, or even consider

The indescribable happiness of it,

Of the possibility of you and me.

Write it down.

In the hope that as the ink leaves its mark on paper,

So does the warmth in my heart.

(March 17, 2012)

Here he comes

My heartbeat quickens,

I try my best to hide my smile

A different kind of magic happens

I calm myself down for a while

Everything goes slow,

I resist the urge to stare

My love would suddenly, impossibly grow

And about the world, I stop to care

Indifference becomes happiness,

I would be filled with so much bliss

In an instant, meaning comes out of emptiness

And I consider taking a risk

Then I realize,

In simple words, I am weak

The moment I look in his eyes

I lose myself and I can’t speak

Then he smiles,

And gray turns to a rainbow

Although my bravery falters and dies

Maybe, it’s enough that I love him so

(December 03, 2010, 8:59pm)

Bisikleta

Aalis.

Hahawak sa manibela, sasampa sa upuan

Sinimulan ang pagpedal.

Mabilis.

Tinatsa kung balanse, baka madisgrasya

Kaya minsa’y babagal.

Liliko.

Biglaan, halos matutumba

At sa wakas, magigising.

Hihinto.

Marahan, hahawak sa preno

Pupunasan ang luha, iiling.

Apak sa pedal.

Muling aandar,

Sa mukha’y dumarampi ang hangin.

Siguro’y tatagal.

Palayo ng palayo,

Padyak ng padyak, patingin-tingin.

Napagod na.

Tinabi ang bike at napaisip,

“Sa una lang pala masaya.”

Nagpahinga.

At sa pagkatigil, umiyak

Sumusuko, tama na.

Hindi pa.

Muling niyakap ng dalawang kamay

ang itim na manibela

Sumampa.

Umandar, lumiko pabalik

Basa ang mata, walang nakikita.

Natumba.

Sa sobrang bilis ng pagpedal,

nakalas ang rehas.

Sira na.

Naudlot ang pagbalik

Mula sa sana’y pagtakas.

Sumuko.

Napatitig sa dugo

Mula sa sugat-sugat na binti.

Yumuko.

Walang awat sa pag-iyak

Sunud-sunod ang hikbi.

“Ayusin ko, miss?”

Sambit ng tinig

na ngayon lang narinig.

“Ayoko ng magtiis.”

Sambit ng pusong

ginasgas ng pag-ibig.

Tumayo.

“Sige,” bulong ng mga labi,

ngumiti ng dahan-dahan.

Nabigo.

At ‘pag naayos ang bisikleta,

tatalikod sa nakaraan.

Pikit

Gusto kong matulog,

Pero sa tuwing pipikit

Ako ay nahuhulog

At nagnanais maulit

Ang paglalakbay ng ‘yong mga kamay

Mga yakap at bawat sambit

Bawat galaw, nagbibigay-buhay

Kaya’t hahawakan ka pa ng mas mahigpit

Sa mga matang kabisado ko

Ang mukha kong umiibig, nagmamahal

At lalong tumitibok sa bawat kilos mo

Ang puso kong sa’yo ng pagkatagal-tagal.

Mga labing manipis at ngiting mayabang

Boses na maamo, tawang saglit

Amoy na walang tulad, at sa’yo lamang

Pag-ibig na malawak sa kamay mong maliit

Pikit.

Gusto kong matulog

Sawa na akong mag-isip

Lalo lang mahuhulog

Mabuti pa’y umidlip.

Lumang Orasan

Tik, Tak, Tik, Tak.

Paulit-ulit, mula mata, tainga hanggang utak

Nakatitig sa lumang orasan sa dingding

Orasang parang bibigay sa konting butingting

Tik, Tak, Tik, Tak.

Paulit-ulit mula mata, tainga haggang utak

Inaantok sa paggalaw ng manipis na kamay

Nakatitig lang, naghihintay, napapanis ang laway

Dumaan ang butiki, kumapal ang sapot ng gagamba

Tumayo’t nakadalawang ihi, umupo at ngumanga

Sa sunod na numero, lumipat ang makapal na kamay

Pero wala ka pa ring awat sa kahihintay.

Tik, Tak, Tik, Tak.

Hindi na makapag-isip ang pagod mong utak

Napansing unti-unting bumagal ang pag-andar ng orasan

Pagod na ang bateryang matagal nang hindi pinapalitan

Bumukas ang pinto, tumalon ang ‘yong puso

Inalis ang tingin sa orasang naghihingalo

Pagpasok niya, tumingin siya sa paligid, at naglakad

Napatingin, “Uy, wala ng baterya ‘yung orasan ko,” ang bungad.

Hindi ka man lang pinansin.

 

Tik, tak, tik, tak.

Pagod na ang puso, paganahin na ang utak.

Naghihingalong relo, nagpasya nang huminto.

Sa wakas, lumabas ka, isinara ang pinto.