Sa’n na ako, pagkatapos nito?

Hindi naman ako ‘yung tipo ng taong nag-aalala kung anong mangyayari in a few years. Oo, aminado ako, praning ako most of the time, pero generally, chill lang din. Praning ako kapag malapit na ang deadline sa ganito o ganyang shiz, pero hindi ako futureoriented person na nag-iisip sa gabi ng mangyayari in 2 or 3 years.

Ngayon ko lang na-realize, malapit-lapit na din pala ang deadline ng ‘lahat’ ng ‘to. Kaya siguro napa-praning na ako. In less than a year, ga-graduate na ako (hopefully, knock on wood). 10 months na lang, lalabas na ako sa Arch of the Centuries at tapos na ang apat na taong pag-aaral ng Journalism. Sa totoo lang, hindi ako na-eexcite. Kasama ako sa bandwagon na ayoko-ng-mag-aral-gusto-ko-ng-mag-graduate, pero gusto ko ba talaga? Anong gagawin ko pagkatapos nito? Anong mangyayari sa’kin sa ‘real world,’ kung ang buong buhay ko, nakakulong sa isang kahon that I unknowingly placed myself in at ‘di na ako makalabas. Paano ‘pag ‘di natuloy ang plano kong mag-M.A. at kinailangan ko ng maghanap ng trabaho?

Natatakot ako.

Dalawang buwan akong nag-OJT pero ewan ko kung may natutunan ba ako. Simpleng paghahanap lang ng lugar kung saan ako dapat pumunta, hirap na hirap ako. Sa’n ka naman nakakita ng 19-years-old na simpleng pagtawid, hindi magawa? 19-years-old na sa sobrang socially awkward, hindi makapagtanong ng direksyon at laging nagta-taxi? Unang linggo pa lang na pinakawalan sa ‘real world’, ilang beses ng nawala. At patikim pa lang ‘yon ha? Paano ‘pag totoo na?

Tatlong taon akong nag-aral dito sa Manila pero wala ako halos alam puntahan. Nitong 3rd year nga lang ako nakapag-commute mag-isa papunta sa iba’t-ibang lugar (kadalasan mga mall). Kung hindi pa ako lumandi, hindi ako matututo. At kahit nakakapag-commute na ako mag-isa ngayon, eh ano naman? Mabibilang sa mga daliri sa kamay (sa kamay lang ha, hindi kasama paa), kung ilang mga lugar ang kaya kong puntahan mag-isa. Madalas pa akong mawala. Lalo na sa mall. N’ung first year at second year? Nawawala pa ako sa mismong university.

Nakakapagod maging lame. Nakakapagod maging dependent. Medyo nanghihinayang ako na ilang taon (buong buhay ko?) akong hindi ‘pinakawalan’ at ‘pinabayaan’ dahil nabundol ako ng sasakyan n’ung Nursery ako.

Kung tutuusin ang babaw lang naman ng problema ko. Sobrang dependent. Sobrang socially awkward. Lahat yata ng traits na wala dapat sa aspiring journalist, nasa akin. Imagine, ‘yung frustration na isang taon na lang, ga-graduate ka na sa course mo tapos isinisigaw sa’yo ng mundo na hindi ka para do’n. ‘Di ka lang nagsayang ng tatlong taon, nagsayang ka pa ng perang pinang-bayad ng mga magulang mo sa tuition mo.

Ano nga bang gagawin ko? Ano bang silbi ng shining-shimmering-splendid na transcript of records kung nuknukan naman ako ng shunga sa ‘real world.’ Hanggang apat na sulok lang naman ng classroom nakaka-elib ‘yung soaring grades with flying colors. Eh ano ngayon kung bongga ako mag-notes, o kung masipag akong gumawa ng reviewer, sobrang OC sa paggawa ng powerpoint presentations at videos o kung tatlong beses ako kung magbasa ng mga hand-outs? Ano ngayon kung matalas ang memorya ko pagdating sa mga dates at pangalan at lugar? Eh ano naman, simpleng security guard nga ‘di ko kayang kausapin. Ngayong OJT, magpaalam lang sa mentor o sa boss na kakain na o aalis na, ‘di ko magawa mag-isa. Gusto kong i-drain ‘yung sarili ko ng hiya pero ‘di ko magawa. Gusto kong paliguan ng self-esteem ang buong pagkatao ko pero somewhere along the way nabawasan ng nabawasan ‘yun at ganito na nga.

10 months na lang, ganito pa din ako. ‘Yung dalawang buwan na dapat sana natuto akong maging independent, wala namang nangyari. Nakaka-frustrate na pagkatapos ng tatlong taon, kinekwestyon ko kung bakit ako nandito.

Nakaka-frustrate lalo na’t first love ko talaga ang Journalism. Nakaka-frustrate kasi naaalala ko n’ung Grade 5 ako na sunud-sunod ang awards ko sa Campus Journ, natanim na sa puso ko na hinding-hindi ko iiwan ang Journ. Nakaka-frustrate na n’ung elementary at high school, mas gusto ko pang mag-Journ – mag-train o makipag-contest – kaysa pumasok sa ‘normal’ na school day. Nakaka-frustrate na dati, siguradong-sigurado ako na Journ at Journ lang ang gusto kong field at career, pero ngayon, parang ayaw sa’kin ng Journalism.

Gustung-gusto kong magsulat. Alam ko, wala na akong ibang gugustuhing gawin. kundi magsulat. At magturo ng pagsusulat. Pero sabi nga ng isa sa mga professor ko, “Paano ka magtuturo, kung ikaw mismo, blangko ka? Paano na ang susunod na henerasyon, blangko din?” Tanong na nagsimula ng pagke-kwestyon ko kung dapat ba ako dito. Tanong na nag-drain ng self-esteem ko (na mababa na nga) to zero. Gustung-gusto kong magsulat. Pero tignan mo nga ‘tong blog ko, puro madramang literary shiz ang laman. Para sa’n ba ako talaga? Sa’n na ako, pagkatapos nito?

Ano bang mali sa’kin? Bakit ba hindi ko kayang maging tulad ng iba na may self-confidence at kering-keri maging independent? Bakit ba lunok-laway lang ako palagi ‘pag kailangan ng magsalita? Bakit lahat ng gusto kong sabihin, kahit ga’no karami, tumatambay lang sa utak ko? Anong gagawin ko pagkatapos nito, nganganga?

Natatakot ako.

Alam kong lalamunin ako ng pesteng ‘real world.’ ‘Yan ang napatunayan ko sa dalawang buwan ng OJT. Mali naman kung sasabihin kong hindi ako nag-enjoy. Dahil may mga araw na masaya naman at kahit papano, ramdam ko na gan’un ang gusto kong gawin for the rest of my life.  Lalong mali kung sasabihin kong hindi ko na mahal ang Journalism. Hindi niya lang talaga ako mahal.

Pero ipipilit ko pa din ang sarili ko. D’un naman ako magaling eh. Wala akong katulad. Supergirl ako. May sampung buwan pa naman. Baka para dito naman talaga ako.

Sana.

Kasi kung hindi, sa’n na ako, pagkatapos nito?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s