Bisikleta

Aalis.

Hahawak sa manibela, sasampa sa upuan

Sinimulan ang pagpedal.

Mabilis.

Tinatsa kung balanse, baka madisgrasya

Kaya minsa’y babagal.

Liliko.

Biglaan, halos matutumba

At sa wakas, magigising.

Hihinto.

Marahan, hahawak sa preno

Pupunasan ang luha, iiling.

Apak sa pedal.

Muling aandar,

Sa mukha’y dumarampi ang hangin.

Siguro’y tatagal.

Palayo ng palayo,

Padyak ng padyak, patingin-tingin.

Napagod na.

Tinabi ang bike at napaisip,

“Sa una lang pala masaya.”

Nagpahinga.

At sa pagkatigil, umiyak

Sumusuko, tama na.

Hindi pa.

Muling niyakap ng dalawang kamay

ang itim na manibela

Sumampa.

Umandar, lumiko pabalik

Basa ang mata, walang nakikita.

Natumba.

Sa sobrang bilis ng pagpedal,

nakalas ang rehas.

Sira na.

Naudlot ang pagbalik

Mula sa sana’y pagtakas.

Sumuko.

Napatitig sa dugo

Mula sa sugat-sugat na binti.

Yumuko.

Walang awat sa pag-iyak

Sunud-sunod ang hikbi.

“Ayusin ko, miss?”

Sambit ng tinig

na ngayon lang narinig.

“Ayoko ng magtiis.”

Sambit ng pusong

ginasgas ng pag-ibig.

Tumayo.

“Sige,” bulong ng mga labi,

ngumiti ng dahan-dahan.

Nabigo.

At ‘pag naayos ang bisikleta,

tatalikod sa nakaraan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s